‘Pilipinas hindi dapat bumitaw sa arbitral ruling’ – Batongbacal

Hindi dapat pansinin ang naging pahayag ng China matapos sabihin nitong na labag sa international law at UNCLOS ang arbitral ruling hinggil sa claim ng Pilipinas West Philippine Sea.

Ito ang pahayag ni UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea Director, Atty. Jay Batongbacal bilang tugon sa sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesman Wang Wenbin na hindi nila tinatanggap at kinikilala ang anukang claim base sa arbitral ruling.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ginagawa lamang umano ito ng China ayon kay Batongbacal para baka sakaling bumitaw ang Pilipinas sa paggiit sa naturang teritoryo.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Ayon kay Batongbacal dapat ipagpatuloy lamang ng Pilipinas ang paninindigan sa mga teritoryong pasok sa exclusive economic zone nito.

Pinayuhan din ng maritime law expert si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na patuloy na igiit ang The Hague ruling na pumapabor sa bansa.