Kinumpirma ng Commission on Higher Education (CHED) na nanatili pa rin ang Ateneo De Manila University bilang leading Philippine higher education institution (HEIs) sa 2024 Times Higher Education Impact Rankings (THE IR).
Ayon sa CHED, nasa 201-300 bracket pa rin ang Ateneo.
Samantala, nag-tie naman sa second spot ang University of the Philippines, De La Salle University, at Ifugao State University.
Maliban sa mga ito, 56 pang HEIs ang kasama sa naturang ranking.
Ninety-three percent increase ito mula sa 29 HEIs na nakasama sa ranking noong nakaraang taon.