Pilipinas, 90% na self sufficient sa bigas noong 2020 – DA

Ipinagmalaki ng Department of Agriculture ang malaking produksiyon ng palay noong nakalipas na taon.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, aabot sa 19.44 million metric tons ang record high palay production noong 2020.

Maituturing aniya na 90 percent na rice sufficient ang nakamit ng Pilipinas noong nakaraang taon, ito’y kahit na nasa covid-19 pandemic ang bansa.

Read More:  Authorities seize ₱99.4 million worth of ketamine in two shipments from Switzerland and Amsterdam

Kaugnay nito, sinabi pa ni Sec. Dar na ngayong taon ay posibleng pumalo umano sa 20 million metric tons ang produksiyon ng palay sa bansa.

Aniya, nakikita na nila ito sapagkat sa kasalukuyan ay mayroon nang 1 milyong produksiyon ng palay na madadagdag ngayong taon.

Read More:  Palace assures stable prices for 190 basic goods until year-end

Dahil dito, pwede umanong umabot sa 95 porsiyento ang rice self-sufficiency ng bansa ngayong 2021.

Ito ay dahil na rin aniya sa tuloy-tuloy na programa na inilatag ng gobyerno upang matulungan ang mga magsasaka.