PHO inirekomenda ang pagsasailalim sa re- training ng mga contact tracers

CAMARINES NORTE- Inirekomenda ng Provincial Health Office (PHO) ang pagsasailalim sa re- training o re- orientation ng mga contact tracers upang mas epektibo umanong magampanan ng mga ito ang kanilang trabaho.

Yan ay sa gitna na rin ng patuloy na pagdami ng mga tinatamaan ng COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte at mas mabilis ngayon ang  hawaan sa komunidad.

Ayon kay acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco, sinabi na umano niya ito noon pang mga nakaraang pagpupulong nila sa Incident Management Team.

Paliwanag ni Francisco, kailangang ma- update ang kaalaman ng mga contact tracers at hindi magkasya na lamang sa dating istilo ng pagtatanong na “Yes or No” lang ang sagot.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Kapag de kahon daw kasi ang mga tanong ay mahirap talagang makuha ang tamang sagot lalo’t ilan sa mga nagiging subject ng contact tracing ay hindi nagsasabi ng totoo o kaya naman ay kulang ang ibinibigay na impormasyon.

“Siguro itong mga contact tracer natin ay kailangang ire- orient at ire- update ng kanilang kaalaman sa contact tracing,” ani Francisco sa panayam ng Brigada News FM Daet.

“Kasi nga kung minsan hindi mo talaga makukuha o hindi talaga nagsasabi na sila po ay mayrong exposure o sila po ay lumabas galing sa high risk area so kung hindi ma maayos ang pagtatanong o at de kahon lang ang pagtatanong mo, yes or no ang nakalagay doon, so baka hindi mo nga makuha yung gusto mung sagot na sila po ay na- expose o sila po ay mayrong travel po (history).”

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Tumanggi naman si Francisco na magbigay ng grado sa usapin ng contact tracing dito sa lalawigan.

“Hindi naman ako namahala sa contact tracing lalo na ang contact tracing ay isa sa mga proyekto ng DILG ano, at the same time dito sa bawat RHU ay may kaniya- kaniya rin silang contact tracing pero dinadagdagan yan ng DILG depende dun sa pangangailangan ng bawat munisipyo.”