LEGAZPI CITY – Binigyang-diin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pabagu-bagong parameters sa pagdedetermina kung itataas ang alert level status ng Bulkang Mayon.
Ayon sa PHIVOLCS, hindi pa madetermina ng kanilang mga eksperto at mga instrumentong ginagamit ng kanilang opisina sa pagkokonsidera kung kung itaas o ibaba ang status ng bulkan.
Ayon naman kay OIC Mayon Volcano Observatory Deborah Fernandez, patuloy pa ring nagpapakita ng pabago-bagong sitwasyon ang bulkan tulad na lamang ng pagtaas ng mga parameters o biglang pananahimik o paghina, bagama’t nasa 30 araw na simula nang mag-alburuto ito.
Patuloy pa rin ang matataas na bilang ng mga rockfall events at mga pyroclastic density currents (PDCs), habang namataan din ang SO2 anomalies o pagtaas ng sulfur dioxide emissions, pati na rin ang volcanic quakes, pamamaga at ang nagaganap na lava flow at lava infusion na naitatala ng kanilang iba’t ibang mga instrumento.