Mga area na walang street light sa Sagñay isa sa binibigyang atensyon ng PNP Sagñay

NAGA CITY – Isa sa mga binibigyang atensyon ngayon ng Municipal Police Station ng Sagñay, Camarines Sur, ang mga area sa bayan na walang street light tuwing nagsasagawa sila ng mga checkpoint at patrolling lalo na kapag hating gabi.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Sa panayam kay Deputy Chief of Police ng himpilan, PCAPT Mark Spaña sinabing agad din naman silang nakikipag-ugnayan sa Municipal Engineering Office kapag may mga nakikita silang area na kailangan lagyan ng street light lalo na kung prone sa mga krimen.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ngunit tiniyak ng opisyal na sa ngayon sapat ang mga street light sa bayan lalo na sa kasentruhan.

Nananatili naman ang peace and order at katahimikan sa bayan at tuloy din ang mga security operations.