Programang Gawad Kalikasan ng MENRO – Daet, gugunitain na taon-taon

CAMARINES NORTE – Gugunitain na taon-taon ang gawad kalikasan na programa ng Municipal Environment and Natural Resources Office ng bayan ng Daet, Camarines Norte na inaasahang mag-uumpisa sa darating na agusto.

Ang nasabing programa ay isang patimpalak na may tatlong kategorya kasama ang lahat ng barangay, mga public and private elementary school, at mga secondary integrated ng naturang bayan.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ayon sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Dr. Ronaldo Paguirigan head ng Municipal Environment And Natural Resources Office ng naturang bayan ay layon umano ng nasabing programa na masiguro na ang mga programang pangkalikasan ng gobyerno ay nasusunod.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Samantala, inaasahan ngayong taon na mag-uumpisa ang patimpalak sa darating na agusto at gaganapin ang gawad parangal sa buwan ng nobyembre.