Nadagdagan pa ang mga kaso ng pang-haharass sa mga Pilipino sa New York City.
Ayon kay Philippine Consul General in New York na si Elmer Cato, isang 51-anyos na babae ang ‘di umano ay ‘verbally assaulted’ at na-harass sa isang subway station.
Sa ulat, isa umanong homeless woman ang sinubukang pigilan ang Pinay na ito na makasakay sa kanyang tren sa Queens.
Ito na ang ika-42 kaso ng hate-crimes laban sa mga Pilipino sa New York simula 2021.
Dahil dito, umapela ang Consul sa mga Pilipino sa New York na kaagad mag-ulat sa kanilang mga tanggapan sakali mang mayroong mga ganitong uri ng insidente.
Bago ito, una nang naglabas ng advisory ang tanggapan kung saan ay pinag-iingat ang ating mga kababayan dahil sa hate crime incidents laban sa mga Asians, at pati na rin ang pagtaas ng mga krimen sa buong New York.
#