Bilang ng mga OFWs na humingi ng tulong sa DMW, umakyat na sa halos 200

Umabot na sa 186 na mga Overseas Filipino Workers o OFW’s ang humingi ng tulong sa Department of Migrant Workers simula nang ilunsad nila ang programang “One Repatriation Command Center.”

Sa isang panayam, sinabi ni Migrant Workers Secretary Susan Ople, ang mga naturang OFW’s ay pisikal na pumunta mismo sa kanilang command center para humingi ng tulong.

Bukod dito, nasa 138 na tawag at 84 na emails na rin ang kanilang tanggap simula nang ilunsad ang programa.

Read More:  VP Sara Duterte camp slams Ramil Madriaga as liar in perjury case

Ang naturang programa ay nakatutok sa pagpapauwi sa mga distressed OFW’s sa bansa.

Kaugnay nito, iniulat ni Ople na karamihan sa mga distressed OFW na humihingi ng tulong sa kanila ay galing sa Middle East, gaya ng Saudi Arabia, Kuwait, Oman at Qatar.

Read More:  Marcos, Thai PM commit to deeper partnership after ASEAN Summit talks

Ang hindi makatarungang trato sa trabaho, pagkaantala ng suweldo at pagmamaltrato aniya ang pangunahing dahilan ng paghingi ng tulong ng mga ito sa kanila.

Samantala, iniulat naman ni Ople na maaari ring humingi ng tulong sa command center ang mga kaanak ng distressed OFWs.

Para sa mga OFW’s na nais humingi ng tulong, maaaring tumawag sa DMW hotline na 1348 o mag-email sa [email protected].(CLAY MARQUEZ)
#