Magpapatupad ang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ng ‘no-fly zone’ para sa SONA ni Pangulong Bongbong Marcos sa Lunes.
Sa abiso, hindi papayagan ang pagpapalipad ng mga aircrafts sa sa loob ng five nautical miles radius mula sa vicinity ng Batasang Pambansa Complex simula bukas, hanggang sa July 25.
Suspendido rin ang traning flights ng mga flying schools sa Luzon.
Dahil dito, posible umanong asahan na ang delay sa mga arrivals at departures sa Ninoy Aquino International Airport.
Kaugnay nito, muling nagsagawa ng inspeksyon ngayong araw ang mga personnel ng QCPD.
Inumpisahan na rin ng Manila Police District ang pagde-deploy ng nasa dalawang libong mga personnel para mag-augment sa puwersa ng mga security forces sa SONA.
#