Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order na nag-aadopt bilang national priority sa pagpapatupad ng mga hakbang para pigilan ang teenage pregnancy.
Sa ilalim ng EO No. 141, inatasan ni Duterte ang lahat ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno at instrumentalities na tugunan ang ulat na nagdudulot ng lumalalang problema.
Ayon sa gobyerno, ito ay kinabibilangan ng kakulangan ng reproductive health education, “deep-seated” norms na nagpapatunay sa karahasan laban sa mga kababaihan at kabataan, engendered patterns ng diskriminasyon, at ang vulnerability at exclusion ng mga babaeng nakatira sa remote areas.
Kabilang naman sa mga interventions na nakasulat sa EO ay ang pagtitiyak sa access para sa comprehensive sexuality education at sa reproductive health at rights services.
Binigyang diin rin dito ang kanakailangan na maraming education at employment opportunities para sa mga kabataan. // MHEL PACIA-TRINIDAD