PhilHealth, nabayaran na ang P12B o 50% ng COVID-19 claims sa mga ospital

Nailabas na ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang halos P12 billion na halaga ng COVID-19-related benefits claims ng mga ospital.

Ayon kay PhilHealth vice president for corporate affairs Shirley Domingo, ang COVID-19 claims ay kinabibilangan ng testing packages, community isolation unit benefits, at in-patient benefits.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Giit ni Domingo, ang naturang halaga ay katumbas sa 50% ng total COVID-19 claims na natanggap ng state health insurer, habang ang iba ay pino-proseso na.

Dagdag ng PhilHealth official, ang malaking bahagi ng hindi nabayarang COVID-19 claims ay may kaugnayan sa testing at ang ilang ospital ay hindi nakasumite ng mga kinakailangang dokumento, na nagresulta sa pagkaantala sa pagpapalabas ng payments.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Una nang sinabi ng Malacañang na hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PhilHealth na bayaran na ang bilyon-bilyong pisong halaga ng unpaid hospital claims sa lalong madaling panahon sa gitna ng COVID-19 pandemic. // MHEL PACIA-TRINIDAD