Mas mahigpit na community quarantine sa Isabela, wala pa umanong rekomendasyon

Wala pa umanong napag-uusapang itaas ang community quarantine classification sa Isabela sa kabila ng pagkakatala ng 13 na kaso ng delta variant.

Ayon kay Isabela Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, sa ngayon ay wala pang rekomendasyon kung mas hihigpitan pa ang kasalukuyang community quarantine sa probinsya.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Aniya, kinukunsidera kasi ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Rodito Albano III ang kabuhayan ng mga mamamayan na tiyak na maapektuhan kung sakaling ipatupad ito.

Kailangan lang aniya ang mas mahigpit na pagpapatupad ng bawat lokal na pamahalaan ng mga panuntunan sa ilalim ng EO no. 23 na inilabas ng PGI.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Sinabi pa ni Atty. Binag na hindi dapat maging aburido ang publiko sa pagkakatala ng delta variant dahil patuloy naman ang ginagawang hakbang ng provincial government para mapangalagaan ang mga tinatamaan ng COVID-19.

Muli namang hinikayat ang publiko na magpabakuna na kung dumating na ang COVD-19 vaccine upang maiwasan na magkaroon ng mas malalang sintomas ng virus.