NTF: Higit 17% ng target COVID-19 jab recipients sa PH, fully vaccinated na

Ibinahagi ng National Task Force Against COVID-19 na umaabot na sa 12,282,006 o 17.19% ng eligible target population sa bansa ang fully vaccinated na.

Ayon sa NTF, 26,677,269 doses ng COVID-19 vaccines na ang naiturok sa bansa kabilang na ang mahigit 14 million first shot doses.

Sinabi rin ng NTF na 41,515,350 doses na ng COVID-19 vaccines ang natatanggap ng Pilipinas mula sa iba’t-ibang manufacturers.

Giit ni NTF chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito G. Galvez Jr. committed ang mga local governments na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) na magkaroon ng mas agresibong inoculation program.

Dagdag ni Galvez, halos 240,000 jabs ang naituturok araw-araw sa National Capital Region (NCR), na malapit na sa target na 250,000 per day. // MHEL PACIA-TRINIDAD