Gumanda ang ranking ng Pilipinas sa monthly global report na sumusukat sa pandemic response ng gobyerno tungo sa recovery.
Batay sa Nikkei Asia’s COVID-19 Recovery Index, umakyat ang Pilipinas ng 46 spots sa 57th noong November mula sa 103rd noong October, na tie mula sa Malaysia, Norway at Tajikistan.
Kaugnay nito, nakakuha ang Pilipinas ng score na 53.5.
Sinusukat ng recovery index ang infection management, vaccine rollouts, at social mobility ng 122 na mga bansa.

Ayon sa Nikkei, ang mas mataas na ranking ay nagsasaad na ang bansa ay malapit na sa recovery.//MHEL PACIA-TRINIDAD