Ibinunyag na ng PBA ang official rosters nito para sa season-ending Governors Cup, kung saan ay tinukoy ang dalawang basketbolista na nanatiling unvaccinated.
Base sa listahan ay nanatiling unvaccinated sina Magnolia center Rafi Reavis at TerraFirma guard Justin Melton.
Iginiit ni PBA commissioner Willie Marcial na hindi nila papayagang makapasok sa mga venue dahil hindi pa sila pwedeng mag-practice.
Nanindigan naman si Marcial na hindi nagkulang sa paalala ang liga.
Mag-iimplementa ang liga ng vaccine mandate bilang pagsunod sa mga panuntunan ng Inter-Agency Task Force at pati na rin ng local government units ng lugar na pinagdarausan ng mga laro.
Ngayong Miyerkules sa Ynares Sports Arena sa Pasig City ay gaganapin ang laro sa pagitan ng Alaska at NorthPort at pati na rin ng San Miguel at NLEX.
