8 missing travelers mula sa S.Africa, di nagbigay ng mga tamang info -DOH

Ibinahagi ng Department of Health (DOH) na ang hindi parin mahanap na walong travelers mula sa South Africa, ay nagbigay ng mali at hindi kompletong impormasyon na isinulat sa personal information sheet.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire may mga issues sa contact number na ibinigay ng ilang nawawalang travelers, habang ang iba naman ay hindi sumasagot sa mga tawag.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Kung hindi, kulang ang digits, ang iba ay numero ng kompaniya ang ibinigay na hindi naman makontak ng mga otoridad.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

Sinabi ni Vergeire na may isang traveler, na hindi naglagay ng kanyang kompletong address.

Mababatid na ang walo ay kabilang sa 253 travelers mula sa South Africa na dumating sa Pilipinas mula November 15 hanggang November 29. //MHEL PACIA-TRINIDAD