Tinukoy ang Pilipinas na pangatlong bansa na may malaking bilang ng K-pop fans sa Twitter noong 2021.
Ayon sa Twitter, pumangatlo ang Pilipinas sa kanilang bagong listahan ng 20 bansa na may most K-pop fans, batay sa kanilang internal data mula Jan. 1 hanggang Dec. 31, 2021.
Kaugnay nito, ang Indonesia ang nanguna sa listahan, sinundan ng Japan, habang pang-apat ang South Korea at pumapang-lima ang United States.
Sa gitna nito, ng Pilipinas rin ang pumangalawa sa listahan ng Twitter, sa mga bansang may maraming tweet hinggil sa K-pop.
Samantala, ang Grammy-nominated BTS ang nanguna sa listahan ng “most tweeted about K-pop artists in the Philippines,” sinundan ng junior label-mates Enhypen.
