Joshua Garcia, pinasalamatan ang fans, matapos ang 100-M views sa kanyang TikTok video

Pinasalamatan ni Joshua Garcia ang kanyang mga fans, dahil sa malaking tagumpay ng kanyang kauna-unahang TikTok video.

Pumalo kasi sa mahigit 100 million views ang video ng kanyang bersyon sa “Ginseng Strip 2002”

Mababatid na noon lang nakaraang buwan nang sumali ang aktor sa TikTok.

Samantala, noong nakaraang linggo rin nang muling magtrending si Garcia sa Twitter, matapos ilabas ang kanyang ikatlong TikTok video entry –ang 10-second clip, kung saan makikitang sumasayaw ito na may caption na “Call me.”

Kaugnay nito, kinoronahan ng ilang netizens ang naturang aktor bilang bagong “TikTok King” in the Philippines.