Kinumpirma ng Department of Health na nadetect na sa bansa ang mga kaso ng “stealth Omicron” sub-lineage.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang stealth Omicron o BA.2 ay ang predominant sub-lineage sa karamihan sa mga rehiyon, batay sa huling genome sequencing.
Dagdag ni Vergeire, ang naturang sub-lineage ay mas common sa local Omicron cases na nadetect sa bansa.

Samantala, ang iba pang sub-lineage, na BA.1, ay nadetect sa walong rehiyon at ngayo’y predominant sa Bicol Region, at sa mga returning overseas Filipinos.
Giit ng opisyal, walang malaking pagkakaiba sa “clinical presentation” sa pagitan ng dalawang Omicron sub lineages. //MHEL PACIA-TRINIDAD