VEP: Sputnik Light, maganda para sa booster shot

Binigyang diin ng mga miyembro ng Vaccine Expert Panel (VEP) ng gobyerno, na ang single-dose ng Sputnik Light COVID-19 vaccine, ay “good candidate” para sa booster shot.

Ayon kay VEP member Dr. Ma. Liza Gonzales, matapos ang initial vaccination o natural infection, maari itong magamit sa revaccination regimens.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Samantala, sinabi naman ni Dr. Derick Sumalapao, na ang “revaccination” ng Sputnik Light para sa mga una nang nabakunahan ng Sputnik V, ay nagbibigay rin ng neutralizing antibodies laban sa Omicron variant, batay sa pag-aaral.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Sa kabila nito, binigyang diin ni Gonzales na ang efficacy ng mga bakuna laban sa variants of concern, ay mababa.

Pero sa kabuoan naman umano, iginiit ng mga health experts na ang mga bakuna ay patuloy na nagbibigay ng proteksyon laban sa severe COVID-19. //MHEL PACIA-TRINIDAD