PH, nakapagtala ng 16,621 new COVID-19 cases; active cases pumalo na sa 146K

Nakapagtala ang bansa ng 16,621 bagong COVID-19 infections ngayong araw, dahilan para pumalo na ang total case count sa 2,020,484.

Ayon sa Department of Health (DOH), tumaas ang bilang ng kaso na naitala kumpara kahapon dahil mayroong limang laboratoryo ang hindi nakapag submit ng datos sa tamang oras.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Dahil sa bagong infections, umakyat na sa 145,510 ang active cases sa bansa.

Sa bilang na ito, 96.2 percent ang mild, 1.1 percent ang asymptomatic, 1.1 percent ang severe, at 0.6 percent ang nasa kritikal na kondisyon. 

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Umabot naman na sa 1,840,294 ang total recoveries, matapos na gumaling ang 10,965 pang pasyente.

Samantala, nasa 33,680 na ang kabuuang bilang ng nasawi sa nasabing virus matapos makapagtala ang bansa ng 148 bagong fatalities.