Background check sa Pharmally, hindi na kailangan-Palasyo

Hindi na umano nagsagawa ng background check ang gobyerno sa mga opisyal ng Pharmally Pharmaceuticals Corporation dahil hindi naman ito hinihingi ng batas.

Ito ay matapos masangkot ang nasabing kumpanya sa umano’y overpriced na mga personal protective equipment (PPE) na binili ng Department of Budget and Management (DBM) sa kanila.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, sa ilalim ng batas, ang isang korporasyon ay hindi na kailangang suriin dahil separate personality ang mga ito.

Hindi na rin daw mabubusisi ang background ng mga stockholders o ang pagkakakilanlan ng mga bidders, pwera na lamang kung sila ay magbibid sa kanilang personal na kapasidad o di kaya’y blacklisted na ang korporasyon dahil sa bigo nitong pagdedeliver ng mga produkto o bigo ang mga ito na makapagbayad ng buwis.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Sa kasalukuyan, iniimbestigahan pa rin ng Senate blue ribbon committee ang multi-billion peso PPE deal ng gobyerno sa nasabing kumpanya sa kabila ng pagbayad lamang umano nito ng P625,000 bilang capital.