PH, nagtala ng 984 new COVID cases; Active tally, bumaba sa higit 19K

Nagtala ang Department of Health (DOH) ng 984 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para tumaas pa ang total tally nito sa 2,826,853.

Ito ang pangalawang pagkakataon na mababa ang bilang ng daily cases, matapos ang 849 infections noong November 16.

Sa kabila ng mga bagong infections, bumaba sa 19,798 ang active cases, kung saan 56.6% ang mild, 4.6% ang asymptomatic, 13.3% ang severe, at 5.6% ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, ang total recoveries at tumaas pa sa 2,759,767, matapos gumaling ang 2,229 pang pasyente mula sa viral disease, habang ang death toll ay umakyat sa 47,288 dahil sa 218 na mga bagong fatalities.