27K active cases ng COVID, asahan sa year end, kung…

Inaasahang aabot sa 27,000 ang bilang ng mga active cases ng COVID-19 sa Pilipinas sa katapusan ng Disyembre, kung lalo pang tataasan ng gobyerno ang mobility ng mga tao, na sinamahan pa ng kanilang pagiging kampante sa pagsunod sa minimum public health standards (MPHS).

Batay sa datos ng DOH, nasa 19,798 pa ang bilang ng active cases.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tulad sa naobserbahan sa mga bansa na may matataas na kaso, ang projections sa national level ay lumalabas na sa scenarios kung saan may mataas na mobility mula 94 percent hanggang 98 percent, at may corresponding decrease sa compliance sa minimum public health standards na 13 hanggang 22 percent, ay mayroong uptrend sa mga kaso.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Pero kung ang mobility ay nasa 90 percent at ang kasalukuyang MPHS ay masusunod, ang active infections ng virus ay posibleng nasa 9,000 hanggang 10,000 lang sa katapusan ng Disyembre.