PH, nagtala ng 195 new COVID cases

Nagtala ang Pilipinas ng karagdagang 195 na mga kaso ng COVID-19 na siyang pinakamababang daily tally sa halos apat na buwan simula noong December 21 noong nakaraang taon nang maitala ang 168 infections.

Dahil dito, ang active cases ay nasa 21,038 pa, na pinakamababa rin sa loob ng tatlong buwan, simula noong January 1.

Sa ngayon, pumapalo na ang total caseload sa 3.683 million, na kinabibilangan ng 3.602 recoveries, at 59,969 deaths.

Samantala, ang National Capital Region (NCR) parin ang may mataas na naitalang kaso sa 1,222 sa nakalipas na dalawang linggo, sinundan ng Calabarzon sa 508, Central Luzon sa 368, Western Visayas sa 231 at Central Visayas sa 155 cases.

Sa ngayon, nasa 15% ang bed occupancy rate sa bansa kung saan nasa 5,972 beds ang okupado, at may 27,490 nang bakante. //MHEL PACIA-TRNIDAD