Pumalo na sa P249,826,730 ang danyos sa agrikultura sa Western Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Soccsksargen, at Bangsamoro, bunsod ng pananalasa ng bagyong Agaton.
Sa pagtaya ng NDRRMC, ang danyos naman sa imprastuktura ay nasa P6,950,000 sa Western Visayas, Central Visayas, Northern Mindanao, at Bangsamoro.
Sa gitna nito, may 69 daan at siyam na mga tulay ang hindi madaanan sa Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, at Caraga.

Samantala, may 76 lungsod at bayan ang nakaranas ng power interruption o outage, bagama’t 12 areas sa mga ito ay agad namang naibalik ang suplay. //MHEL PACIA-TRINIDAD