Tiniyak ng gobyerno ng Pilipinas na makikipagtulungan sila sakaling hilingin ng United States ang extradition sa kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na si pastor Apollo Carreon Quiboloy dahil sa sex-trafficking charges.
Pero ayon kay acting spokesman Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang extradition issue ay nananatiling “speculative.”
Sinabi naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi pa nakatanggap ang kanilang ahensya ng request para sa extradition” mula sa kanilang US counterpart o Washington’s State Department.
Sa halip, may rape complaint na inihain laban kay Quiboloy noong nakaraang taon sa Davao City, pero ito ay nabasura, na ngayon ay inaapela sa kanilang departmento.

Mababatid na sinabi ng US prosecutors na pinipilit umano ang mga babae na may mga nenor de edad pa, na makipagtalik kay Quiboloy, founder ng Kingdom of Jesus Christ.
Sinabi rin ng mga otoridad sa US na pinagbabantaan ang mga biktima na may edad 12 ng “eternal damnation” at physical abuse kung sila ay tumatanggi ng “night duty” para sa pastor. //MHEL PACIA–TRINIDAD