PH, Japan forces – kapwa-kinundena ang Chinese harassment

Tinalakay ng Armed Forces of the Philippines kasama ang Japan Self-Defense Forces ang mga hakbang na gagawin sa hinaharap at mga oportunidad sa partnership ng dalawang pwersa.

Kasunod ito ng pag-hijack ng China Coast Guard personnel sa rotation at resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin shoal noong Hunyo 17.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Kaugnay nito, inihayag ni General Yoshihide Yoshida na patuloy na naninindigan ang JSDF sa panig ng AFP kayat papalalimin pa aniya ang kooperasyon ng kanilang bansa sa Pilipinas at like-minded countries.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Ang Japan aniya ang isa sa pinakaunang bansa na nagbigay ng suporta sa pagkondena sa mga aksiyon ng China Coast Guard