Pagbabago sa resupply mission para matiyak na wala ng masugatang sundalo sa WPS, asahan – Philippine Navy

Inihayag ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Comm. Roy Vincent Trinidad na magkakaroon ng karagdagang pagpaplano at kaukulang pagbabago sa resupply mission ng bansa sa West Philippine Sea.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Ito ay upang matiyak aniya na wala ng masusugatan na sundalong Pilipino.

Sinabi din nito na tungkulin nilang igiit ang soberaniya ng ating bansa at tiyaking maprotektahan ang ating sovereign rights.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Mababatid na sinabi ng AFP na 7 sundalong Pilipino ang sugatan kung saan isa dito ang naputulan ng daliri dahil sa pangha-harass ng China.