Ph internet speed patuloy sa pagbilis isang taon matapos ang SONA ni PRRD

Patuloy ang pagbilis ng internet speed sa Pilipinas isang taon matapos atasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PLDT at Globe Telecom na pagbutihin ang kanilang serbisyo.

Batay sa Ookla Speedtest Global Index pumalo na ang internet average download speed sa bansa sa 66.55Mbps nitong Hunyo kumpara sa 58.73Mbps noong May 2021 kung fixed broadband speed ang pag-uusapan.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Katumbas ito ng monthly increase na 13.32%. Tumaas din ang speed ng 741.34% magmula nang umupo sa puwesto si Duterte noong Hulyo 2016.

Ang mobile speed ay tumaas din noong Hunyo kung saan nagtala ang bansa ng average download speed na 32.84Mbps mula 31.97Mbps noong Mayo. Katumbas ito ng monthly increase na 2.72%.

Tumaas din ang speed ng 341.40% magmula nang manungkulan ang administrasyong Duterte noong Hulyo 2016.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Ang anunsiyo ng Pangulo na padaliin at pabilisin ang pag-iisyu ng LGU permits noong Hulyo 2020 ay nagresulta sa malaking pagtaas sa permits na ipinagkaloob sa telcos mula Hulyo 2020 hanggang Mayo ngayong taon vis-à-vis 2019.

Ang pagbilis sa internet speed ay resulta ng kaganapang ito dahil nagawang pabilisin ng telcos ang pagtatayo ng infrastructure (cellular towers at fiber optic network) na kinakailangan para mapaghusay ang serbisyo at connectivity.