DAR, ipinasakamay ang 2 tulay ng pangulo sa Jones at Delfin Albano, Isabela; titulo ng lupa, motorsiklo at sasakyan; ipinamahagi

Pormal nang ipinasakamay ng Department of Agrarian Reform ang Pongpongan Bridge sa Jones, Isabela at Bayabo-Calaocan sa Delfin Albano sa ilalim ng Tulay ng Pangulo para sa Kaunlarang Pang Agraryo.

Personal na dinaluhan ni DAR Sec. Atty. John Castriciones, Isabela Governor Rodito Albano III at iba pang opisyal ang nasabing aktibidad.

Kasabay din nito ang distribusyon ng nasa 670 Certificates Land Ownership Award (CLOAs) na sakop ang mahigit 840 na ektarya ng private at government land sa 575 na benepisaryo mula sa 19 na munisipalidad sa Isabela.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Tinanggap din ng 7 dating mga rebelde ang titulo ng kanilang lupa.

Maliban dito ay namahagi rin ang DAR ng nasa 43 na kolong-kolong na nagkakahalaga ng P2.6 million pesos sa ilalim ng Convergence on Livelihood Assistance for the ARBs Project (CLAAP) at LinksFarMM project.

Ipinasakamay din ang 3 Solar Powered Irrigation Projects (SPIS) sa tatlong barangay ang Gayung-gayong, Ilagan City; Sinili, Santiago at Banquero, Reina Mercedes.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Nakatanggap din ang Caviteno Isabelino Agriculture Cooperative and OSHWIND Multi-Purpose Cooperative ng isang yunit ng Multi-Purpose Vehicle (MPV) na nagkakahalaga ng mahigit 1.4 million pesos.

Pagkatapos nito ay nagsagawa rin ng groundbreaking ng BALAI ARB Housing Program sa 5 ektaryang donasyong lupa pribadong indibidwal kung saan itatayo ng 150 units ng bahay sa Villa Paz, Naguilian, Isabela.

Samantala, sa kaniyang pahayag ay umaasa ang kalihim na kasama ang mga magsasaka sa paglaban sa pandemiya dahil sila ang nagbibigay ng pagkain sa hapag-kaininan sa bawat pamilyang Pilipino.