Naghahanda ang Philippine Genome Center para palakasin ang sequencing efforts sa Metro Manila at ibang bahagi ng bansa para ma-detect ang COVID-19 variants.
Ayon kay PGC executive director Cynthia Saloma, posible na silang makapagsagawa ng nasa 40,000 sequences para sa buong taon, dahil sa mga suplay ng sequencing kits na dumating sa bansa.
Sa ngayon, sinabi ni Saloma na ang PGC ay nakakapagsagawa ng sequencing sa 750 samples bawat linggo, o halos 36,000 samples bawat taon.
Dagdag nito, ang kanilang center ay may limang machines na magagamit para sa buong genome sequencing, pero kailangan naman na matugunan ang karagdagang manpower. // MHEL PACIA-TRINIDAD