‘PH 2022 Election posibleng maimpluwensiyahan ng cyberespionage campaign ng China’ – Senador

Nagpahayag ng pagkabahala si Senador Risa Hontiveros kaugnay sa posibleng pag-impluwensiya ng China sa 2022 Election sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga cyberespionage campaign.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos maglabas ng report ang cybersecurity firm na Kaspersky na mayroong isang “rare, wide-scale advanced persistent threat” ng mga Chinese “actors” na nagtitipon ng geopolitical at economic intelligence sa Asya at Africa.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Nakasaad umano sa report na aabot sa 1,400 na users sa Pilipinas, kabilang na ang mga entity ng gobyerno, ay nabiktima ng mga spear-phishing emails na naglalaman ng mga malisyosong dokumento.

Dahil dito agad na nanawagan ang Senador sa Department of National Defense at ang Department of Information and Communications Technology na tingnan agad ang mga ulat ng Kaspersky.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Hinimok din nito ang mga ahensya na maglabas ng mga protokol para sa bawat Pinoy internet user laban sa cyberintrusions ng China.