COMELEC bukas para sa voter registration ngayong araw

CAMARINES NORTE- Bukas ang mga opisina ng Commission on Elections ngayong araw para sa voter registration.

Ayon kay Election Officer III Annelyn Abanes, miyembro ng Speaker’s Bureau ng komisyon sa lalawigan, bukas ang mga opisina ng Comelec mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon ngayong araw para tumanggap ng mga magpaparehistro kahit holiday.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Gayunman wala umanong mga naka- schedule na satellite registration sa mga barangay sa halip ay bukas ang mga opisina ng Comelec sa labingdlawang bayan.

Ngayong araw ay inideklara ng Malakanyang na Regular holiday sa buong bansa bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng mga Muslim ng Eid’l Adha o “Feast of Sacrifice sa bisa ng Proclamation 1189.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ang Feast of Sacrifice,” ay isa sa dalawang Islamic Holidays na ipinagdiriwang  taon-taon.

Ang kapistahang ito ay tanda ng pagtatapos ng taunang pilgrimage o hajj sa syudad ng Mecca.