PGQ, kauna-unahang nagawaran ng safety seal certification sa rehiyon

Kinilala ng Department of Interior and local Government ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quirino bilang kauna-unahang Provincial Government na nagawaran ng Safety Seal Certification kabilang ang 12 na opisina nito.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, inihayag ni DILG Assistant Regional Director Elpidio Darwin na ang naturang safety seal ay nagpapatunay na ligtas ang isang establishimento at sinusunod ang mga minimum public health standards.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Kabilang ang 12 na opisinang nasa loob ng Quirino Capitol ang nabiyan ng safety seal mula sa DILG region 2.

Personal na tinanggap ni Quirino Governor Dakila Cua ang Safety Seal award habang pinasalamatan naman nito ang DILG, BFP at PNP sa pagkilala sa serbisyo ng PGQ sa larangan ng pagsunod ng health standards upang matiyak ang kaligtasan ng mga government employees at kliyente ng mga ito.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Magugunita na ang Safety seal ay magkatuwang na programa ng DILG, DOT, DOLE, DTI at DOH.