Ilang barangay mula sa 100 barangay under influence of insurgency, napabilang na sa mga programa ng DOLE REGION 2

Ilang barangay mula sa rehiyon mula sa naiulat na 100 barangay na nasa ilalim ng impluwensiya ng insurhensiya ang nakatanggap at napabilang sa mga programang TUPAD, DILP at GIP ng Department of Employment and Local Government Region 2 bilang suporta sa EO 70 RTF-ELCAC.

Ito ang inihayag ni DOLE Regional Director Joel Gonzales sa ika 17- Usapang Pangkapayapaan Usapang Pangka-unlaran o UP-UP Cagayan Valley ng Tactical Operation Group 2.

Una rito, nasa 88 na barangay na ang napabilang sa TUPAD program ng DOLE Region 2 kung saan 25 ang mula sa lalawigan ng Cagayan, 42 sa Isabela, 4 sa Nueva Vizcaya at 17 sa Quirino.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Kaugnay dito, sa kabuoan ay mayroon nang 2,176 na pamilyang naging benepisaryo ng TUPAD mula sa naturang 88 na barangay kung saan nasa mahigit 11 milyon na ang pondon nailaan rrito.

Samantala, sa programang Government Internship program ay nasa 38 na barangay ang napabilang na binubuo ng 112 na kabataang benepisaryo kung saan mahigit 5 milyon na ang ponding inilaan rito.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Kinabibilangan naman ng 43 rebel returnees mula sa 8 barangay ng San Mariano Isabela ang nabigyan ng 1,290,000 livelihood assistance ng DOLE region 2 sa ilalim ng DOLE Integrated livelihood Program.

Dagdag pa ni RD Gonzales, ang naturang mga programa ay nakatuon sa 100 barangay na natukoy na nasa impluwensiya ng mga makakaliwang pangkat.