Fireworks Safety and Display Operators’ Seminar, isinagawa ng PNP Bicol

BNFM Bicol- ISINAGAWA ng Philippine National Police (PNP) Bicol kaakibat ang Civil Security Group at Firearms and Explosives Office ang Fireworks Safety and Display Operators’ Seminar para sa mga manufacturers, dealers, at retailers ng paputok mula sa iba’t ibang panig ng kabikolan.

Dinaluhan ng mga miyembro ng Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association Inc. (PPMDAI) at iba pang mga fireworks distributors sa rehiyon ang nabanggit na aktibidad upang makatanggap ng karagdagang impormasyon patungkol sa firework safety at matupad ang requirement na ito upang mabigyan ng permit para makapagbenta ng fireworks.

Samantala, panawagan naman ng PNP Bicol sa publiko na iwasang bumili ng mga produktong paputok mula sa mga hindi otorisadong sellers para mailayo ang mga sarili sa hindi inaasahang mga insidente. ### Nico Merciales, Intern

Photo from Web

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *