PGA, ipinag-utos ang pag-ban sa mga ruminant animals mula sa Pampangga at Marinduque na ipinapasok sa loob ng Albay bilang pag-iingat sa banta ng Q fever

LEGAZPI CITY – Ipinag-utos ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay (PGA) ang pag-ban sa mga ruminant animals mula sa Pampangga at Marinduque na ipinapasok sa loob ng lalawigan ng Albay bilang pag-iingat sa banta ng zoonotic disease o Q Fever.

Ang nasabing pahayag ay base sa ipinalabas na Executive Order No. 40 series of 2024, kung saan nakapalaman dito ng pag ban sa pagpapapasok ng alinmang ruminant animals mula sa mga lalawigan ng Pampanga at Marinduque o alin mang lugar na makikitaan ng kaparehong kaso ng nasabing sakit.

Ito ay matapos na mairehistro sa nasabing dalawang magkaibang probinsya ang unang kaso ng Q fever ayon mismo Department of Agriculture (DA).

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, posible umanong kumpiskahin o isyuhan ng Return to Origin (RTO) ang alinmang shipments na may sakay na mga ruminants animals mula sa mga nasabing lugar.

Ang Q fever ay isang zoonotic disease na dulot ng bacterium Coxiella burnetti na kadalasang tumatama sa mga hayop tulad ng mga baka, tupa at kambing at kalabaw na maaring maipasa sa tao sa pamamagitan ng paglanghap ng hangin, direktang kontak sa apektadong hayop o kung makakain ng mga ito.

Dahil dito, inatasan ngayon ang Provincial Veterinary Office (AVO) sa tuloy-tuloy na koordinasyon sa mga concerned agencies gayundin ang mahigpit na pagpapatupad ng Animal Quarantine Checkpoint.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *