PGA, handang magbigay ng burial assistance sa mga mahihirap na Albayano

LEGAZPI CITY – Handang magbigay ng burial assistance ang Pamahalaang Panlalawigan ng Albay sa mga mahihirap na Albayano na walang kakayanang mabayaran o makapagpalibing ng kanilang mga pumanaw na mahal sa buhay.

Read More:  Negros Occidental proposes P8.52B budget for 2027, P900M higher than 2026

Ayon kay Gov. Atty. Edcel “Grex” Lagman, ang mga nangangailangan ay maaaring pumunta sa kanilang tanggapan upang humingi ng tulong at agad na makipag-ugnayan sa kanilang receiving clerk.

Read More:  Two passengers intercepted in Iloilo over suspected marijuana

Kailangan lang umanong magdala ng mga kinakailangang dokumento tulad ng valid IDs, funeral contract o uutstanding balance, death certificate, at certificate of indigency na galing mismo sa mga Social Welfare and Development Office.