Nasa 400 pamilyang nasa coastal ng Garchitorena na laging naapektuhan ng sama ng panahon, nakatakda nang lumipat

CAMARINES SUR- Nakatakda nang lumipat ng tirahan ang nasa 400 pamilyang laging naapektuhan ng sama ng panahon o kapag masungit ang dagat sa Garchitorena Camarines Sur.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Mayor Leda San Luis, aniya matagal nang nagtitiis ang maraming pamilya sa epekto ng alon. Bumili ang LGU ng ilang ektaryang lupa upang maging relocation site.  Tinanong noon ang mga residente kung nais nilang lupa na may bahay na pero babayaran paunti-unti o lote lamang. Pinili naman ng mga residente ang lote at sila na ang bubuo ng tahanan. Bibigyan ng P15, 000.00 mitigation fund at bigas ang mga lilipat ngayong Agosto malapit sa highway.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan
Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Samantala, ngayong nasa area pa ang nasa 2,000 mga indibidwal sinabi ni San Luis na alalahanin pa rin ang standing order na kung delikado ang alon at baha ay mag evacuate ang mga nasa tabing dagat lalo na inaasahan ang ulan na posibleng epekto ng binabantayang LPA o ang magiging Bagyong Egay.