Performance-based bonus ng mga pulis matatanggap na ngayong Nobyembre

Inaasahang matatanggap na ng mga pulis ngayong buwan ng Nobyembre ang kanilang performace-based bonus para sa taong 2021.

Ayon kay PNP Public Information Office Acting Chief Police Col. Jean Fajardo, pagbabasehan ng ibibigay na PBB ang performance rating o eligibility score ng PNP mula January hanggang December 2021

Ito aniya ay katumbas ng 52 percent ng individual monthly base pay ng mga pulis hanggang December 31, 2021, base sa 80 points eligibility score na nakuha ng PNP sa kanilang revised rating.

Nauna nang nakakuha ng minimum 70 points ang PNP sa kanilang eligibility score na katumbas lang ng 45.5% ng base monthly pay, pero nagsumite ng apela ang pamunuan ng PNP para mapataas ito.

Samantala, bagamat eligible ang PNP sa PBB, may ilang mga PNP unit na kailangang i-isolate” dahil sa sa iba’t ibang non-compliance issue.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *