Beteranong aktor na si Ricardo Cepeda, handa raw patunayang inosente siya laban sa 40 katao na nagreklamo ng estafa

Naniniwala ang actor-model na si Ricardo Cepeda na mapatutunayan niyang inosente siya sa patong-patong na kasong estafe na isinampa laban sa kanya.

Iginigiit ng nakakulong na batikang aktor na modelo lamang siya ng inirereklamong kompanya ng isang energy-saving gadgets at wala siyang kinalaman sa operasyon nito.

Read More:  Fyang Smith, Loisa Andalio face online backlash over All-Star Games 2026

Kasalukuyan naman inaalam ng Quezon City Police District (QCPD) ang kabuuang halaga ng inirereklamo ng mahigit 40 katao laban kay Cepeda na inaresto sa kasong syndicated estafa.

Read More:  Max Collins, Pancho Magno stay hands-on in co-parenting son Skye

Hindi naman binigyan ng pagkakataon na makapagpyansa ang aktor na umaasang mapapawalang-sala at muling makababalik sa showbiz industry.