KORONADAL CITY- BIBILI ng dagdag na heavy equipment ang Provincial Engineering Office o PEO South Cotabato.
Ayon kay PEO OIC Engineer Fredrick Soriano na nasa P 180 million ang kanilang budget proposal para sa pagbili ng 10 mga heavy equipment.
Aniya, kulang kasi ang kasalukuyang tatlong bulldozer ng lalawigan lalo na kung may landslide kung saan kailangan ang naturang mga equipo.
Napag-alaman na nagdedeploy ang PEO ng mga heavy equipment sa lower valley at upper valley para sa mga flood control projects, road clearing, road repair and maintenance at iba pang engineering works sa kabundukan.
