KORONADAL CITY- INILAGAY na sa Alert Level 1 ng COVID 19 Alert Level System ang lalawigan ng South Cotabato. Ito ay batay sa Inter-Agency Task Force o IATF Resolution No. 168-G na ipinalabas ng Malacañang.
Epektibo ang Alert Level 1 status ng probinsya simula June 16 hanggang June 30, 2022.
Sa ilalaim ng Alert Level 1, pinayagan ng IATF ang full 100% capacity ngunit kailangan magpakita ng katibayan ng full vaccination bago makasama sa malawakang pagtitipon o papasukin sa indoor establishments.
Samantala, mananatili naman sa Alert Level 2 ang General Santos City, North Cotabato, Saranggani at Sultan Kudarat.
