KORONADAL CITY — NASA 12, 839 katao pa lamang sa Koronadal ang nakatanggap ng booster shot kontra sa Covid-19 mula nang sinimulan ng gobyerno ang pamimigay nito laban sa nasabing sakit.
Sa isinagawang Training on Risk Communication and Community Engagement o RCCE, ipinaliwanag ni Dr. Albert Francis Domingo, Dir. III-Communication Office and Disease Prevention and Control Bureau, pinasiguro nito na dumaan sa mga test ang lahat na mga bakuna.
Sa ngayon, maituturing umanong mababa pa rin ang bilang ng mga nagapapa-booster shot dahil sa paniniwala ng iba na may masama itong epekto sa katawan.
Kaugnay nito, hinihikayat ni Health Promotion Officer o HEPO Glenn Mar Doctolero ang publiko na magpabooster shot dahil makakatulong ito upang mapanatiling protektado ang isang tao laban sa Covid-19.
Samantala, inihayag din ni Dr. Edvir Jane Montañer, Immunization Program Coordinator ng Department of Health Center for Health Development o DOH-CHAD- 12, na kinakailangan ng SOCCSKSARGEN Region na makapamakuna ng Covid-19 vaccine sa 738,809 na mga indibidwal hanggang Hunyo 30 upang maabot ang 80% ng buong populasyon.
