Pinaalalahanan ng Social Security System (SSS) ang mga dapat mag- comply sa Annual Confirmation of Pensioners’ Program (ACOP) na huwag nang hintayin ang extended deadline.
Sa panayam ng Brigada News FM kay SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo inihayag nito na mas mainam na mag comply na ngayon para masigurong tuloy- tuloy ang pagtanggap ng buwanang pensyon.
Matatandaan na pinalawig ang deadline hanggang June 30, 2022 mula sa orihinal na petsa na March 31, 2022.
Paalala ni Robredo na huwag kaligtaang mag- appear o magsumite ng ACOP form kasama ang litrato ng pensioner na may hawak na diyaryo na may latest na petsa.
Kasama dito ang dalawang valid IDs at kung surviving pensioner ay mayroong undertaking form.
“Ang attachment lang is picture or selfie nung pensyonado na nakahawak po ng latest na newspaper or ang background po yung TV na current, dapat within the month yung date, halimbawa ngayon ka magsu- submit ng April, dapat yung date ng newspaper mong hawak is within April and two valid IDs and then may another form po na pini- pil up-an, yung undertaking na halimbawa kung surviving spouse ka undertaking mo na hindi ka nag co –habit, hindi ka nag asawa muli.”
Sa ngayon ay patuloy umano ang pagtanggap ng SSS ng mga isnusumite sa kanilang dokumento na pwedeng gawin via email o drop box.
Ang ACOP form ay mada- download sa www.sss.gov.ph o pwede ring kumuha sa SSS Daet Branch at sa mga Service Area nito sa Sta Elena, Labo at Jose Panganiban.
Sakop ng ACOP ang mga regular na pensyonadong naninirahan abroad, disability pensioners, surviving pensioners, at dependent pensioners.
“Huwag nito pong kaligtaan na mag -appear or mag submit ng inyong ACOP form with supported documents kasi po kung hindi natin yan ma aavail until June 30, automatic po ma i- stop ang ating pension, so pag na stop po panibagong problema natin kasi talagang mag- aapear kayo dito po sa tanggapan natin pero meron na po yan na mag aantay kayo ng ilang buwan bago po bumalik sa inyong mga bank accounts ang inyo pong pension.”