Mababa pa rin ang bilang ng mga nagpapa booster shots sa lalawigan ng Camarines Norte.
Batay sa tala ng Camarines Norte Provincial COVID- 19 Vaccination Operation Center hanggang nitong April 27 alas 8 ng umaga, sa mahigit 607,000 na nakatanggap na ng 1st at 2nd dose, nasa 29, 471 pa lang o 5. 79 percent ang nagpapaturok ng booster dose.
Ang bayan ng Daet ay mayroong nagpaturok ng booster shot na nasa 13, 098 o 14. 33 percent.
Ang San Vicente na pinakamaliit na bayan sa Camarines Norte ay mayroon nang 1, 124 o 12. 40 percent na nakapagpa -booster.
Ang ibang mga bayan ay wala pang sampung porsiento.
Ang mga bayan na may pinakamababang porsiento ng nababakunahan ng booster shot ay ang Paracale na may 1, 201 o katumbas ng 2. 33 percent, Sta Elena na may 939 o 2. 64 percent at at Labo na may 2, 508 o katumbas ng 2. 84 percent.
Mababatid na karamihan sa mga nakakumpleto na ng dalawang dose ng bakuna ay ayaw ng magpa booster shot.