PCIC Region 2, patuloy sa paghikayat sa mga magsasaka na magpaseguro

Patuloy na hinihikayat ng mga kawani ng Philippine Crop Insurance Cor. (PCIC) Region 2 ang mga magsasaka sa lambak ng Cagayan kaugnay sa Agricultural Insurance programs na inaalok ng ahensya.

Sa pangunguna ng kanilang Marketing and Sales Division (MSD) personnels ay nakikipagpulong ang ahensya sa mga magsasaka, mangingisda at livestock raisers na nakarehistro sa RSBSA sa iba’t-ibang munisipalidad upang hikayating mag-enroll sa kanilang libreng paseguro.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Maaaring i-enroll ng mga farmer sa PCIC ang kanilang mga pananim, alagang hayop, palaisdaan at agricultural machineries.

Habang ang mga munisipalidad na naideklara nang ASF free o walang naitalang kaso ng ASF sa nakalipas na 6 na buwan ay pinupuntahan din ng mga kawani ng ahensya ang mga backyard hog raisers para maienroll at magkaroon ng proteksyon mula sa banta ng ASF.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Nasa 1,701 heads ng baboy mula sa 403 hog raisers at 1,227 heads ng iba pang livestock mula sa 544 bilang ng livestock raisers ang naidagdag sa talaan ng mga nagpaseguro sa PCIC mula sa probinsya ng Cagayan at Isabela.