P23.4M na halaga ng marijuana, sinira sa 3 plantasyon sa Kalinga

Aabot sa 23.4 million pesos ang halaga ng mga sinirang pananim na marijuana sa tatlong plantasyon sa Mt. Chumanchil Loccong, Tinglayan, Kalinga.

Ayon sa Kalinga Police Provincial Office, nadiskubre ang naturang mga plantasyon sa isinagawang marijuana eradication ng mga kasapi ng Kalinga PPO, PDEA, mga kasundaluhan at iba pang yunit ng mga operatiba.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Binunot at sinunog ang nasa 23.4 milyong piso na halaga ng fully grown marijuana plants na tinatayang aabot sa 90, 000 na piraso.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Habang tinatayang nasa 45, 000 grams naman ng dried marijuana leaves at stalks ang sinunog ng mga otoridad sa lugar.